Advertisers

Advertisers

Libreng sakay ng EDSA Bus Carousel pinag-aaralang ibalik ng DOTr

0 187

Advertisers

PINAG-IISIPAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbabalik ng libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na maaring maibalik ang libreng sakay subalit ito ay hanggang isang buwan lamang.

Ayon kay Bautista, na nasa P2.1 bilyon lamang ang naibigay na pondo sa service contracting program kaya ito ay kulang para magpatuloy ang libreng sakay.



Nagsasagawa na rin sila ng feasibility study para sa nasabing privatization ng EDSA Bus Way.

Matatandaang nagtapos na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel noong Disyembre 31, 2022.