Advertisers

Advertisers

Mag-ama patay sa ambush sa Cotabato

0 144

Advertisers

NASAWI ang mag-ama sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Tatuan Mangelen Buisan, 50 anyos; at anak na si Benjie, 20, mga residente ng Purok 6, Barangay Dungoan, M’lang, Cotabato.

Natukoy naman ang mga salarin na sina alyas Dats at alyas Tol.



Ayon kay M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon, pinagbabaril ang mag-ama ng mga salarin gamit ang kalibre.45 na pistola habang sakay ng kanilang motorsiklo papauwi.

Tumakas ang mga salarin na lulan rin ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa M’lang.

Naisugod pa ang mga biktima sa pagamutan nguni’t kapwa binawian ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Alitan sa pamilya o rido ang sinusundang anggulo ng M’lang PNP sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">