Advertisers
NAGTALA si Nikola Jokic ng triple-double na 30 points, 12 rebounds at 12 assists sa 123-111 pagdurog ng Nuggets sa Boston Celtics sa laban ng NBA conference leaders.
Nag-ambag si Bruce Brown ng 21 points para sa Denver (24-12) na nagsalpak ng kabuuang 17 three-pointers.
“He’s my MVP. He should be the league’s MVP three times in a row,” Wika ni Brown kay Jokic na inilista ang ikalawang sunod na triple-double at pang-siyam ngayong season. “He’s doing everything for us. Without Jok, I don’t know where we’d be.”
Umiskor din si Jaylen Brown ng 30 points kasunod ang 25 markers ni Jayson Tatum sa panig ng Boston (26-11).
Na-delay ang laro ng 35 minuto matapos ang dunk ni Robert Williams III ng Celtics sa 6:43 minuto ng fourth quarter na nagpatabingi sa rim.
Sa Memphis, humataw si Ja Morant ng 35 points, 8 rebounds at 5 assists, habang may 18 markers si Tyus Jones para pamunuan ang Grizzlies (23-13) sa 118-108 paggupo sa Sacramento Kings (19-16).
Nag-ambag si Dillon Brooks ng 15 points at may 14 markers at 3 blocks si Jaren Jackson Jr. para sa ikatlong sunod na panalo ng Memphis at dinuplika ni Steven Adams ang kanyang career-high na 23 rebounds.
Pinamunuan ni De’Aaron Fox ang Sacramento sa kanyang 19 points at may 18 markers si Malik Monk, habang humakot si Domantas Sabonis ng 18 points at 14 rebounds.