Advertisers
NABIGO ang Philippine Azkals laban sa Indonesia 2-1 para tapusin na ang kampanya nila sa AFF Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila nitong Lunes ng gabi.
Unang nagtala ng goal ang Indonesia sa loob ng 20 minuto mula kay Dendy Sulistyawan.
Padating naman ng 42 minuto ay muling naka-goal ang Indonesia sa pamamagitan ni Marselino Ferdinand para maitala nila ang 2-0 na kalamangan sa pagtatapos ng first half.
Tanging ang goal lamang ni Sebastian Rasmussen ang nagbigay ng pag-asa sa Azkals na naipasok sa 57th minuto subalit naging matindi depensa ng Indonesia hanggang tuluyan silang manalo.
Nagtapos ang kampanya ng Azkals na mayroong isang panalo at tatlong panalo sa Group A.
Umusad naman sa knockout semifinals ng torneo ang Thailand at Indonesia.