Para iwas sa last minute rush: Mag-renew na ng business permit – Mayor Honey
Advertisers
HINIKAYAT ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga business owners sa lungsod na mag-renew na ng kanilang business permits para iwas sa last-minute rush.
Pinayuhan din ni Lacuna ang lahat ng mga nago-operate ng kanilang negosyo na gamitin ang online payment system ng pamahalaang lungsod para tipid sa oras, pagod at pera sa halip na gagawin nila ang pagre-renew ng personal.
Maliban sa online system, sinabi ni Lacuna na maaari ding magbayad sa Manila City Hall o sa mga one-stop shop kiosks sa SM Manila.
Ang lady mayor ay na- briefed ni Electronic Data Processing Services (EDP) Chief Fortunato Palileo nang magset-up para sa upcoming business renewal sa nasabing mall.
Ayon kay EDP chief Palileo, ang iba pang Go Manila payment machines ay magiging available sa Robinsons Manila, SM San Lazaro, at Lucky Chinatown para tumanggap ng cash payments para business permits at taxes. Idinagdag pa nito na ang iba pang payment para sa Go Manila services tulad ng health card payments ay magiging machines available na rin sa apat na malls sa Maynila.
Ang iba pang online payment at renewal ng business permit ay available din via Go Manila app sa www.cityofmanila.ph.
Binigyang direktiba na rin ni Lacuna si Bureau of Permits chief Levi Facundo na magpalabas ng paalala sa lahat ng business owners sa lungsod tungkol sa available na renewal systems.
Sinabi naman ni Facundo na ang business permit renewals ay fully automated na mula sa application hanggang sa pagbabayad. Maging ang pagkuha ng statement of account hanggang sa resibo ng permit ay fully electronic na rin.
“All ancillary Permits like barangay clearance and FSIC are already included, so there is no need to make a trip to these offices. Wala na rin pong delivery ng permits. What they see in their app in digital form can be printed and posted in their respective establishments,” dagdag pa nito.
Para sa early payments, sinabi ni Facundo na magbibigay ng ten percent discount ang pamahalaang lungsod base na rin sa utos ni Lacuna. Ito ay para sa payments na ginawa hanggang January 20, 2023. (ANDI GARCIA)