Advertisers

Advertisers

Babae, nag-shopping gamit ang nakaw na credit cards umabot ng P71K

0 290

Advertisers

Nag-shopping ang isang babae gamit ang nakaw na credit cards na umabot ng mahigit P71,000 ang nagastos sa loob ng isang exclusive membership grocery sa Congressional Avenue, Quezon City, nitong Sabado.
Sa ulat, lima ang credit cards ang nakuha ng magnanakaw sa biktima.
Sa report, 3:00 ng hapon naganap ang pagnanakaw. Base sa records, 6:00 ng gabi unang matagumpay na nagamit ang isa sa credit cards. Umabot sa mahigit P25,000 ang nagastos ng suspek.
Makalipas ang ilang minuto, nakabili ang suspek ng mikropono sa halagang P14,200. Ilang saglit pa, mamahaling damit naman ang binili ng magnanakaw sa halagang P8,865.
Kita sa CCTV na pirma lang nang pirma ang magnanakaw tuwing may bibilhin siya.
Reklamo ng asawa ng biktima, tila hindi tinignan maige ng mga kahera kung pareho ang pirma na nasa credit card sa pirma ng magnanakaw.
Ganap na 7:03 ng gabi bumili ang magnanakaw ng plates ng dumbbell sa halagang P6,600 gamit pa rin ang nakaw na credit cards. Pagkatapos nito, nag-grocery naman ito at umabot ng P16,586.
Sa kabuuan, umabot ng P71,796 ang nagastos ng magnanakaw.
Naganap ang lahat ng ito bago pa naipa-block ng may-ari ang mga nanakaw niyang credit card.
Bukod sa credit cards, isang mamahaling wallet at ilang government IDs din ang nawala sa biktima.
Aabot daw ng 60 hanggang 100 araw bago maglabas ng desisyon ang mga bangko kung tatanggapin ang kuwento ng biktima o siya pa rin ang magbabayad sa mga nagastos ng magnanakaw.
Nagsumbong na sa pulis ang biktima. Ang pag-asa na lang niyang manalo ay kung may makakakilala sa dimple sa braso ng suspek na nakita sa CCTV.