Advertisers

Advertisers

Paghigpit sa mga biyahero mula Tsina ‘di pa panahon – DOH

0 105

Advertisers

HINDI pa panahon para magpatupad ng mas mahigpit na patakaran para sa mga manlalakbay mula China na humaharap ngayon sa bagong alon o pagsirit ng COVID-19 infection, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa press briefing, sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na ang Pilipinas ay nasa mas mabuting posisyon.

Aniya wala pang nakikita ang DOH at mga helath expert na pangangailangan para magsara ng borders sa tukoy na bansa o magkaroon ng mas maigting na restrictions.



Ang pahayag ni Vergeire ay tugon sa rekomendasyon ng Department of Transportation na ang mga bisita mula China ay kailangang sumailalim sa RT-PCR testing sa pagpasok nila sa Pilipinas.

Sa halip, sinabi ni Vergeire na pinapaigting ng Pilipinas ang survellaince at monitoring ng mga pasahero. Ang Antigen test aniya ay required pa rin para sa mga hindi bakunado na manlalakbay.

Binanggit niya na karamihan ngayon sa mga karapat-dapat na mga Filipino ay ganap nang bakunado.

“It is the direction of this administration thaht as much as possible restrictions should be at a minimal,” sabi ng opisyal.

“We don’t compromise health but also favor the opening up of economy,” dagdag pa niya. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">