Advertisers

Advertisers

Higit 1-K pulis ipapakalat ng NCRPO vs mga gagamit ng illegal firecrackers sa Bagong Taon

0 116

Advertisers

NASA 1,369 police officers ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magpatupad ng panuntunan sa paggamit ng firecrackers o mga paputok sa kasagsagan ng selebrasyon ng bisperas ng bagong taon.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Jonnel Estomo, ipapatupad ng kapulisan ang Executive Order No. 28 at Republic Act No. 7183 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para ma-regulate ang paggamit ng fircrackers at malimitahan ang bilang ng mga firecracker-related injuries.

Magsasagawa rin ng inspeksiyon ang pulisya sa areas of convergence kabilang sa mga designated firecacker zones.



Ipinag-utos din ng NCRPO director sa personnel nito at sa mga may-ari ng baril na maging responsable at huwag magpaputok ng baril sa pagsalubong ng taong 2023 para maiwasan ang indiscriminate firing.

Makikipag-ugnayan naman ang NCRPO sa peacekeepers sa mga barangay at para matiyak ang kaayusan at mahuli ang mga violator.

Paalala naman ng NCRPO director sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga batas sa pagpapaputok at pagpapailaw.