Advertisers

Advertisers

Rep. Teves: Pakay ng active 3 Scout Rangers sa Negros, alamin

0 154

Advertisers

Nag-viral at napuno ng malasakit mula sa Netizens ang naging FB live ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves kamakailan.

Ito ay nang sabihin nito na may inaalam ito na ulat na kung saan mayroon umano na tatlong active Scout Rangers sa Negros na tila may kakaibang pakay.

Sinabi ni Rep. Teves, ang mambabatas na nakilala dahil sa tulong nito sa abot ng makakaya, na may nakarating na report sa kanya tungkol sa scout rangers sa Negros.



Ayon Kay Teves, ayon sa impormasyon na kanyang nakuwa, ang mga sinasabi na scout rangers ay active at kasalukuyang nasa Negros Occidental na may target na tao.

Alin daw sa kanilang magkakapatid ang target patahimikin ng mga ito. Kaya nag-live ang mambabatas para malaman at maging aware ang mamamayan.

Nais ni Teves malaman agad kung tama ang impormasyon at agad na mapigilan sa pamamagitan ng pag-expose sa mga ito, kung totoo man.

Si Teves ay kilala na laging prangka sa mga salita nito. Inanunsyo din nito na mula Enero 7, ang kanyang Teves Cares: Aksyon, Tulong, Solusyon ay mapapanood at masusubaybayan sa DzRH Tele-radyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">