Advertisers

Advertisers

Market vendors sa Kyusi, inayudahan ni Bong Go

0 328

Advertisers

Matapos manawagan at humingi ng tulong sa gobyerno, mabilis pa sa alas-kuwarto na agad inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang umaabot sa 450 vendors sa Litex Public Market sa BYC Covered Court, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Nauna rito, humingi ng tulong ang mga vendor sa gobyerno para sa karagdagang ayuda sa kanila at ipinarating ito sa senador.

Bilang chairman ng Senate committee on health, nanawagan si Go ng estriktong pagsunod at pagpapatupad ng health and safety protocols, gaya ng mandatoryong pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar.



Umapela rin siya sa pamahalaan na mamahagi ng libreng facemasks sa mga pampublikong pamilihan at iba pang lugar na palagiang pinupuntahan ng mga tao.

“Sa mga kapatid kong Muslim at Kristiyano, kumusta kayong lahat? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan […] Kami po ni Pangulong Duterte ay pantay-pantay ang pagtingin sa inyo kaya kami po ay nakikiusap, para naman po ito sa iyong kapakanan, magkaisa at magtulungan po tayo. Sino ba naman magtutulungan kundi tayong kapwa Pilipino,” ani Go sa pamamagitan ng video call.

Namahagi ang grupo ni Sen. Go ng libreng meals, food packs, masks at face shields sa mga vendor.

May 50 napiling vendors ang binigyan ng bisikleta habang may mga tablets na ipinamahagi sa ilang estudyante para magamit sa pag-aaral.

“Mga estudyante, gamitin ninyo po itong mga ipinadalang tablet sa tama. Sa mga bata na nag-aaral, ‘yun po ang paalala ko sa inyo: mag-aral kayong mabuti. ‘Yun lang po bilang ganti sa inyong mga magulang para sa sakripisyo nila,” anang senador.



Ayon sa mambabatas, asahan ng sambayanang Filipino na hindi sila pababayaan ng gobyernong palaging nagmamalasakit at palaging uunahin ang kanilang kapakanan.

Noong September 18, may naunang 250 vendors sa naturan ding pamilihan ang inayudahan ni Sen. Go.

“Alam ko po nahihirapan kayo sa ngayon. Pero ‘wag po kayong mag-alala dahil pag mayroon na pong vaccine, uunahin po namin ni Pangulong Duterte ang mga mahihirap para po makabalik na kayo sa normal na pamumuhay,” sabi ng senador. (PFT Team)