Advertisers

Advertisers

Lahat ng delegado sa PBA bubble negatibo sa COVID-19

0 233

Advertisers

NEGATIBO sa coronavirus ang lahat ng mga delegado na kasali sa PBA bubbles sa Pampanga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na dahil dito ay maaari na silang makibahagi sa ensayo sa Angeles University Foundation gym.

Bago kasi makapasok sa Quest Plus Conference Center ang mga koponan ay sumailalim ang mga ito sa swab testing.



Inilagay pa ang mga ito sa quarantine ng dalawang araw habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.

Nagsimula ng magsagawa ng ensayo ang Magnolia, Meralco, Phoenix, Terra Firma at TNT habang ang defending champion na San Miguel Beermen, Barangay Ginebra, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Blackwater at NorthPort ay susunod na magsasagawa ng ensayo.