Advertisers

Advertisers

Ayo-ko maniwala!

0 260

Advertisers

Naglabas ng ulat ang PNP Sorsogon tungkol sa UST bubble sa kanilang lugar. Sinasaad dito na walang violation sina Coach Aldin Ayo sa quarantine protocol. Kinatigan ito ng opisina ng gobernador ng lalawigan.

Ang naganap daw ay agricultural activity ng mga student athlete na taga Espana Blvd. Kapag libre raw oras nila sa farm at saka lang sila pwede mag-individual exercise sa hardcourt. May certification mula sa barangay captain at mayor ng lungsod.

Pero bago tayo maniwala ay bigyan tugon ninyo ang aming mga katanungan.



Unang tanong, bakit ngayon lang ito inihayag? Bakit hindi noong nag-iimbestiga ang UST at UAAP?

Pangalwa, yung nag-isyu ng travel authority ng Growling Tigers ay si Mananita Boy. Opo, si NCRPO Chief Debold Sinas. Eh bakit tahimik siya noon at walang tinukoy na permit kahit mismo ang kampo ni Ayo.

Pangatlo, natanong ba ng mga pulis ang mga player ni Ayo at hindi lamang ang nagbitiw na coach?

Pang-apat, may ginagawa ring probe ang CHED at DOJ hinggil sa kontrobersya. Sasalungat ba ito sa report ng mga lespu?

Panglima, may mga letrato na ensayo ng USTe sa palaruan sa loob ng gusali ni Ayo? Nakonsidera ba ito ng mga imbestigador ng PNP?



Ayon kay Ka Berong ito ay isang pagsagip sa reputasyon ng dating konsehal ng Sorsogon. Crisis management ang tawag diyan sa public relations. Kaso too late the hero. Nagresign na ang amo nila sa Santo Tomas U at na-ban na ng UAAP.

Tapos dahil kinontra nila ang finding ng UST at ng liga ay tiyak makwekwestiyon sila ng media. Nakakaduda kung tunay ang ilang papeles para bumango pangalan ng coach na nagkampeon noon sa Letran at DLSU.

Sabi pa ni Kaka ay lalo lang nilang ibabaon sa kahihiyan ang ex-mentor ng mga Tigre kapag nagkataon. Pati raw ang mganagpeke ng mga dokumento ay dapat managot.

Hala kayo!

***

Kung line-up ang pagbabasehan ay talagang mas superyor ang Lakers sa Heat. Kaya naman sa pustahan ay llamado mga tropa ni Coach Frank Vogel. Yung mga galit kay LeBron James lang ang ayaw maniwala.

Napanood natin ang Game 1 ng best-of-7 at lumitaw ang husay ng Los Angeles. Mula sa mga bida hanggang sa mga role player. Pinakita nila yan sa parehong opensa at depensa.

Ang masama pa nito ay nagkaroon ng mga injury ang tatlo sa kanilang first five. Sa paa si Gogan Dragic, sa balikat si Bam Adebayo at sa ankle si Jimmy Butler. Kahit makalaro sa Game 2 ngayon ay malamang hindi sila 100%.

Kung wala ring malubhang kapansanan ang sasapit sa tinsel town team ay kanila na ang 2020 NBA title.

Eka nga ay the crown is for the Lakers to lose.

***

Hit na hit daw sa PBA Clark bubble ang Arana-Belga Sari-Sari Store. Mangyari may mga baon ang ROS duo nina Ryan at Beau na mga kape, catsup, chips, de lata, crackers, detergent at iba pang mabibili sa tindahan sa kanto.

Samantala negatibo sa COVID19 lahat ang mga delegasyon na nasa dating air base na ng mga Kano.