Advertisers

Advertisers

Tsekwa tinumba habang nakatayo sa kalsada

0 335

Advertisers

BUMULAGTA ang isang Chinese national nang barilin habang nakatayo sa kalsada ng dalawang di nakikilalang gunmen na nakasakay sa tig-isang motorsiklo, Lunes ng hapon sa panulukan ng CM Recto at T. Alonzo St., Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Richmann Neal So y Chua, 48, ng 115 Alk Santos St., San Juan City.
Habang mabilis naman nakatakas ang mga gunmen sakay ng kanilang motorsiklo.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente 5:00 ng hapon habang nakatayo sa lugar ang biktima nang lapitan ng gunmen at pinagbabaril ng malapitan at kinuha ang sling bag nito at mabilis na tumakas sa direksiyon ng Alonzo St.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung mga holdaper o snatcher o may iba pang motibo ang gunmen sa ginawang pagpaslang sa biktima. (Andi Garcia)