Advertisers

Advertisers

IMPOSIBLE BANG ISILANG SI JESUS SA DISYEMBRE 25?

0 132

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Mamamatay kayo ng hindi napapatawad ang inyong mga kasalanan, kung hindi kayo maniniwalang ako ay si “Ako Nga”…” (ayon kay Jesus, sa Juan 8:24, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

Huwag kalilimutan ng lahat na Diyos yung sangkot sa tanong na yan.



May kapangyarihan ang Diyos na gawin ang gusto Niyang gawin. Walang imposible sa Kaniya.

Hinati nga Niya yung Dagat Na Pula, di ba?

Ginawa nga Niyang pinakamasarap na alak yung tubig na panghugas ng paa.

Pinakain nga Niya, una, ang labin-limang libong tao (lalaki, babae, bata) gamit lang ang limang pirasong tinapay at dalawang pirasong isda, at ikalawa, apat na libong tao, gamit din ang ilang pirasong tinapay lang.

Bumubuhay nga Siya ng mga patay.



Pinapalakad Niya ang mga lumpo mula sa pagsilang, binibigyang-paningin ang mga bulag, pinagsasalita ang mga pipi.

Binigyan nga Niya ng pandinig ang mga bingi, pinagagaling ang mga ketongin sa Salita lamang Niya.

Lumalakad nga Siya sa ibabaw ng tubig, pinapatigil ang bagyo sa dagat.

At, muli nga Siyang bumalik sa daigdig ng mga buhay, matapos Siyang ipako sa krus at ibigay ang Kaniyang Banal na Laman, Banal na Dugo, at Banal na Espiritu sa krus sa Kalbaryo.

Ilang lang itong mga imposibleng bagay na itinala natin Dito na ginawa ng Diyos, at, sa totoo lang, marami pang iba na kumbaga, and so forth and so on ang dating.

Ang Diyos ay Diyos ng imposible.

Lahat ng bagay sa Kaniya, puwede.

Easy lang sa Kanya ang isilang kahit winter.

Hindi imposible yun sa Kaniya.

Kaya ang bati ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK), maligayang pagdating sa daigdig, o Jesus na aming Diyos at Tagapagligtas, na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

And, siyempre, Merry Christmas this December 25, 2022.

-ooo-

REAKSIYON? Tawag po +63 947 553 4855, +63 968 532 5206. Email batasmauricio@yahoo.com. Tawag din po sa FB Messenger “Melanio Lazo Mauricio Jr.”