Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA interview kay Sylvia Sanchez ni Alora Sasam, nagtanong ang huli sa una tungkol sa pakikipagrelasyon ng anak nitong si Ria Atayde. Kung naughty or nice ba si Ria tuwing nasa isang relasyon.
“Nice siya kasi binibigay lahat, sinusuko lahat. Sinasabihan ko siya talaga na, ‘Magtira ka para sa sarili mo,’” sagot ni Ibyang.
Kaya naman nang tanungin si Sylvia kung pakiramdam niya ay may nagbago kay Ria sa kanyang past and current relationship, ang sabi niya, “Ang laki ng pinagbago. Ang laki ng kaibahan. Masaya ako. Kaya ko pino-post kasi gusto ko siya. Mabait si Z, marespetong bata and gustong-gusto ko siya.”
Ang Z na tinutukoy ni Sylvia ay si Zanjoe Marudo. Sa naging pahayag niya na gusto niya si Zanjoe for Ria, ibig bang sabihin nito ay kinukumpirma niya nang may relasyon na ang dalawa? Or baka naman gusto niya si Zanjoe bilang manliligaw pa lang ni Ria?
Hindi pa kasi umaamin sina Ria at Zanjoe na may something na sa kanila.
***
SA interview sa kanya ng Cabinet Files, nagkwento si Cristy Fermin tungkol kay Alex Gonzaga nang makatrabaho niya ito noon sa talk show na Juicy ng TV5.
Ayon kay tita Cristy, awang-awa siya noon sa make-up artist ni Alex na nakaluhod sa sahig habang nilalagyan ng make-up ang aktres dahil nakahiga ito.
“Nakakaawa ang make-up artist niyang si Noel na nakaluhod, nakahiga kasi siya habang nagpapa-make up! Abuso siya! The late Alex Gonzaga!” sabi ni Cristy, na natatawa na lamang kapag napag-uusapan ang ugali ni Alex na kanyang personal na nasaksihan.
Hindi raw pinagsabihan ni tita Cristy si Alex tungkol sa trato nito kay Noel, pero ang executive producer ng kanilang programa ang kanyang kinausap dahil sa sobrang awa niya sa make-up artist.
Kwento pa ni tita Cristy, “Ang executive producer ang kinausap ko. Ipinatanggal ko yung higaan ni Alex. Hindi na niya nagamit yun. Nakakaawa ang make-up artist niya.
“May serye siya nun kaya palagi siyang late sa Juicy.”
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Alex kapag nakarating sa kanya ang naging pahayag at pambibisto ni tita Cristy tungkol sa kanya noong nagkatrabaho sila?