Advertisers
Advertisers
Advertisers
NAGBITIW na sa kanyang puwesto si Justice Usec. Markk Perete dahil umano sa “serious reasons”.
Sinabi ni Perete sa kanyang mensahe sa media nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 1, na nagsumite na siya ng resignation sa Department of Justice (DOJ) at ito ay epektibo umano ngayong araw.
Wala namang iba pang detalyeng ibinahagi si Parete hinggil sa kanyang resignation.
Si Perete ay tumatayong tagapagsalita ng DOJ bukod sa pagiging undersecretary nito.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Justice Menardo Guevarra hinggil sa resignation ni Perete. (Jocelyn Domenden)