Advertisers

Advertisers

Carmi Martin kinuwento ang pakikipaglaban sa Covid-19

0 344

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA screen persona ni Carmi Martin, kilala siyang kikay at masayahin.

Pero sa totoong buhay, deeply spiritual na tao ang seksing komedyana.



Katunayan, naging wake-up call sa kanya ang panahon ng pandemya dahil siya man ay hindi nakaligtas sa novel coronavirus.

Nagpositibo siya sa Covid-19 at hindi niya makalilimutan ang kanyang naging journey sa pakikipaglaban sa naturang sakit.

“Last September 13, I went to Philippine Red Cross for a swab test that was a requirement for a digital series under Starcinema, then the following day got the result that I was Positive of Covid 19,” ani Carmi.

Pagpapatuloy pa ng aktres, wala raw siyang sintomas na naramdaman maliban sa tumaas ang kanyang blood pressure noong mga panahong iyon.

Nagpaalala rin siya sa lahat ng ibayong pag-iingat lalo pa’t wala pang natutuklasang bakuna sa kinatatakutang virus.



Naging pagkakataon din daw ang kondisyon niya para maging mas malapit siya sa Diyos at panghawakan ang kanyang pananampalataya.

“The 2 week quarantine became A HONEYMOON WITH GOD. I spent each day with prayers and praying for others,” pagbabahagi niya.

Pagkatapos daw ng dalawang linggo niyang quarantine matapos magpositibo sa Covid-19, nagpapasalamat siya dahil naka-recover na siya.