Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PAGKATAPOS mapanood sa A Soldier’s Heart na isa siya sa bida, heto’t may follow-up series na agad si Carlo Aquino, na kapareha si Erich Gonzales, mula sa Dreamscape.
Wala pang title ang serye, pina-finalize pa kung ano ang maganda at nababagay na title para rito. Ito ang first time na nagtambal sina Carlo at Erich, at kung hindi kami nagkakamali, first time rin ng dalawa na magkatrabaho.
Nagsimula na ang taping ng serye noong Lunes, Sept.28 Naka-lock-in sila ngayon sa Antipolo. Thankful ang award-winning actor na hindi siya nawawalan ng trabaho, kahit ngayong may pandemic.
‘Yun naman ang gusto ni Carlo, ang magtabaho. Sobrang love kasi niya ang kanyang profession bilang artista.
Hindi kami nagtataka na kabi-kabila pa rin ang offer kay Carlo. Bukod kasi sa mahusay siyang artista, isa nga siyang award-winning actor, professional pa siya. Hindi siya naging pasaway sa set sa mga pelikula at seryeng ginawa niya.
Wala pa tayong nabalitaan na naging unprofessional siya, ‘di ba? ‘Yung mga nakatrabaho na niya before ay iisa ang sinasabi, na masarap katrabaho ang isang Carlo Aquino.
Samantala, alam naman natin na isa nang ganap na ama si Carlo. May baby na sila ng girlfriend niyang model na si Trina Candaza, na pinangalanan nilang Enola Mithi Aquino.
Kaya naman inspired magtrabaho ngayon si Carlo dahil sa pagdating ng kanilang panganay ni Trina.
***
PORMAL nang inanunsyo ng TV5 sa kanilang social media pages noong Martes, September 29 na Kapatid star na ang dating Kapamilya star na si Billy Crawford. Nirepost naman ni Billy sa kanyang Instagram account ang poster ng kanyang magiging unang show sa TV5, na Masked Singer Pilipinas. Caption niya sa post, “Get ready, cause here we go, October 24 7:00pm. See you all soon!”