Advertisers

Advertisers

Ensaymada may palaman na marijuana huli sa selda

0 257

Advertisers

NABISTO ang tangkang pagpupuslit ng marijuana ng isang babaeng dalaw nang siyasatin ang ensaymadang inabot nito sa kinakasamang preso sa Talipapa Police Station sa Quezon City.
Sa ulat,  ipinadala ng dalaw na si Mary Jane Larrosa ang ensaymada para sa nakakulong na kinakasama nitong si Jonathan Alonzo.
Pinagdudahan ng pulisya ang padala dahil 8:30 na pumunta ng estasyon ang babae, lagpas na sa oras ng dalaw.
Kahit pinagbawalan na, nagpumilit parin si Larrosa.
Nakakulong si Alonzo magmula pa Agosto dahil sa kasong may kaugnayan din sa droga.
Sa ulat, umamin ang bilanggo na ipinadala niya ang droga dahil gamot niya umano ito sa depresyon.
Dahil sa insidente, panibagong kaso ang kahaharapin ni Alonzo.
Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad si Larrosa na sinampahan na rin ng reklamo.
                    (Boy Celario)