Advertisers

Advertisers

Traslacion 2021, ‘makakansela’ sa Covid-19

0 317

Advertisers

Posibleng hindi matuloy ang Traslacion 2021 bunsod na rin ng panananatili ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Father Douglas Badong, ang vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, pinag-aaralan na nila kung paano maidaraos ang kapistahan ng Quiapo ng ligtas sa gitna ng pandemiya.
Ang kapistahan ng Quaipo, karaniwan nang dinadagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno partikular tuwing Traslacion na isa sa pinakalaking aktibidad ng mga Katoliko.
Ayon kay Fr. Badong, sa ngayon ikinukonsidera na ng procession committee ang ilang proposal sa pagdaraos ng Traslacion sa susunod na taon, at kabilang dito ang posibleng kanselasyon ng prusisyon sa Rizal Park na isinasagawa tuwing Enero 9, upang matiyak na masusunod ang mga panuntunan sa physical distancing na ipinaiiral ng pamahalaan.
Umaasa naman si Badong na magiging bukas ang mga deboto sa mga pagbabagong maaaring maganap dahil sa kakaibang panahon na nararanasan ngayon dahil sa pandemic.
Samantala, umapela rin si Bandong sa pamahalaan na payagan nang makapasok ang mas maraming deboto sa simbahan, o kahit hanggang 30% man lang ng kapasidad nito. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)