Advertisers

Advertisers

Lalaki huli sa ‘sextortion’ sa ex-gf

Nakilalang ang manyakis sa social media...

0 269

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki ng National Bureau of Investigation (NBI) nang pilitin ang dating nobya na makipagtalik sa kanya kundi ay ipagkakalat ang kanilang sex video chat.
Kinilala ang nadakip na si Erick Fernandez. Ang dating nobya n nagreklamo ay pinangalanang “Marlene.”
Sa ulat, hinuli si Fernandez sa kuwarto ng isang motel sa Bulacan.
Ayon kay Marlene, napilitan siyang makipag-video chat sa dating karelasyon dahil ilang beses umano itong nananakot na magpapakamatay kung hindi nila ito gagawin.
Ikinuwento ni Marlene na sa Facebook sila nagkakilala at isang buwan silang naging magkasintahan.
Muli, nagpaalala sa publiko si Waldo Palattao Jr., special investigator sa NBI-Bulacan, na mag-ingat sa kahit anong ina-upload o ginagawa sa online.
Nakakulong na si Fernandez at nahaharap sa paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act, Anti-Violence Against Women and their Children Act, at Anti-Rape Law. (James de Jesus)