Advertisers

Advertisers

Lakers Nakauna sa Heat

0 234

Advertisers

Tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat sa Game 1 ng NBA Finals, 116 – 98. As expected ay nanguna sa Lakers sina LeBron James at Anthony Davis na may pinagsamang 59 points.

Sa nakaraan nating kolum ay sinabi natin na Lakers in five pero mukhang malaki ang posibi-lidad na ma-sweep nila ang Heat lalo na kung hindi 100 percent sina Bam Adebayo at Goran Dragic na parehong hindi natapos ang laro dahil sa injury.

Maganda ang simula ng Heat na lumamang agad ng 13 points sa kaagahan ng laro pero makikita mo agad na mas malakas ang Lakers dahil mabilis silang nakahabol at lumamang pa at the end of the first quarter.



LeBron finished an assist shy of a triple-double with 25 points, 13 rebounds at nine assists. Tinulungan din niya na mag-settle down agad si Davis sa kanyang Finals debut by feeding him early for open shots and easy baskets. Tumapos si Davis na may 34 points at nine rebounds.

Walang pantapat ang Heat sa big men ng Lakers, especially after Adebayo went out with a shoulder strain. May dalawang plays tayong nakita kung saan pinasahan ni LeBron ang kuma-cut na si Dwight Howard na pagkatapos matanggap ang pasa ay ibinigay agad ang bola kay Davis for a slam dunk. Mahirap pigilan kapag dalawang higante ang aktibo sa loob ng shaded lane.

I’m sure makakahanap ng pangontra si Heat coach Erik Spoelstra sa mga susunod na laro. One of their options is to foul Dwight Howard in those situations.

The Heat may also elect to make LeBron a scorer rather that a facilitator. Mas mahirap pigilin ang Lakers kapag maraming players ang umiiskor. May seven assists agad si LeBron sa first half kaya naging comfortable agad ang kanyang mga kakampi sa kanilang opensa.

LeBron will get his points no matter what, but they need to limit the damage of Davis and the other Lakers.



Hopefully ay hindi seryoso ang injuries nina Adebayo at Dragic at makapaglaro sila without limitation sa Game 2.