Advertisers

Advertisers

6 simbahan sa dagat buburahin ng bagong airport sa Bulacan

0 262

Advertisers

TULUYAN nang mabubura ang anim na chapel sa anim na sitio na napapalibutan ng tubig-dagat sakaling tuluyang maitayo ang New Manila International Airport sa bayan ng Bulakan, Bulacan.
Ayon kay Father Ramon Garcia, kilalang pari na nagmimisa na nakalubog ang mga binti sa tubig-dagat sa chapel ng sitio Pariahan, may anim na chapel ang tatamaan ng naturang airport.
Aniya, ang anim na chapel ay nakatayo sa sitio Dapdap, Capol, Calamansi, Pariahan, Bunutan at Kinse, sa coastal area ng BarangayTaliptip.
Inamin nitong ang ilang chapel dito ay hindi na nagagamit o namimisahan habang ang iba gaya ng Pariahan at ang private chapel sa kinse-Torres ang siyang ginagamit sa pagdaraos ng misa.
Halos wala na umanong mga kabahayan at wala nang tao sa lugar dahil tinanggap na ng mga residente dito ang offer ng SMC.(James de Jesus/Thony Arcenal)