P1.5m ‘damo’ nasabat sa Cebu, claimant arestado
Kontrabando mula Spain ibinagsak sa FedEx Warehouse...
Advertisers
BUMAGSAK sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Customs NAIA, at Cebu Anti-Illegal Drugs Group ang isang lalaki na claimant ng isang kilo ng ‘kush marijuana’ na galing sa bansang Spain.
Batay sa isinagawang joint controlled delivery operations ng Customs examiners, mula sa FedEx warehouse sa Pasay City kungsaan unang dumating ang package na nagmula sa Spain, na agad naharang ng mga otoridad.
Ang nasabing package na dineklarang ‘Shisha’ ay ipinadala ng isang Richard Mrozek ng Spain at nakapangalan para kay Mateo Abato ng Cebu City.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, agad nilang inalerto ang PDEA sa Region 7 hinggil sa iligal na shipment ng droga, at upang magsagawa ng follow-up operation kasabay ng paglipat ng package sa Customs Cebu upang mahuli kung sino ang kukuha ng kontrabando.
Sa tulong ng binuong Task Group, nadakip ang isang Jan Robert Pareles ng Asmara Urban Resort, 1 Paseo Saturnino St., Bgy. Banilad, Cebu City, na ginawang claimant ni Abato para kunin ang package.
Sinampahan si Pareles ng violation of the Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 of the Customs Modernization and Tariff Act. ( Jojo Sadiwa)