Advertisers

Advertisers

Daryl, Bugoy at Michael naispatan na sa GMA7; Barbie matagal naburo kaya naatat sa pag-arte

0 244

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TINUTUKAN at pinag-usapan ng viewers ang much-awaited back to studio episode ng musical-comedy-variety program na ‘All-Out Sundays’ nitong Linggo, September 27.

Masaya ang fans ng show na mapanood muli ang kanilang mga idolo na mag-perform on stage, “Kudos to @AllOutSundays for bringing most of them back in the studio. Looking forward to more amazing performances in the coming weeks!”



Bukod sa mga pasabog na biritan mula sa ‘The Clash’ alumni at ‘Four The Win’ ladies, nag-enjoy rin ang viewers na mapanood ang sikat na trio nina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan o ‘BuDaKhel’ sa All-Out Stage, “Nag-enjoy ako sa Boyz 2 Men songs. Ganda ng pagkanta nila BuDaKhel with Mark Bautista, Christian Bautista, Garrette Bolden at Jeremiah Tiangco! Galing!”

Abangan sa susunod na Linggo ang ilan pang pasabog na performances at masayang bagong segments na hatid ng ‘All-Out Sundays’, 12NN, sa GMA-7!

***

NA-miss daw talaga ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang pag-arte.

“Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes. Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, ‘four-hog’ ang tawag namin.



“After noon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya ‘Beh, na-miss mo umarte noh?’ Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang ‘yon na wala naman talaga sa script. Pero ‘yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko ‘yung ganoon. ‘Yung talagang going with the flow of the scene, ‘yung madadala ka sa eksena,” kuwento ni Barbie sa interview ng GMANetwork.com.

Dagdag ni Barbie, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Maraming fans ni Barbie ang excited na sa pagpapatuloy ng kuwento ng  ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.’