Advertisers

Advertisers

Suntukan sa CSA-Makati iniimbestigahan

0 670

Advertisers

NAGLUNSAD na ng imbestigasyon ang pamunuan ng Colegio San Agustin-Makati (CSA-Makati) ukol sa suntukan ng dalawang estudyante sa loob ng palikuran.

Sa ulat, sinabing kalat ngayon sa social media ang video ng dalawang estudyanteng nagsusuntukan.

Makikita rin sa video na tila nawalan ng malay ang isang estudyante pero tuloy parin ang pagsapak sa kanya. Dito na umawat ang isa pang estudyante.



Sa isang post sa Twitter, ang nagsuntukan ay mga Grade 9 students ng CSA-Makati.

Ayon sa legal counsel at spokesperson ng CSA-Makati na si Atty. Joseph Noel Estrada, nangyari ang suntukan Lunes ng umaga sa isang palikuran ng paaralan.

“Nu’ng pumunta ‘yung mga guards, nakita nila ang dalawang estudyante na may mga injuries, they were brought to the school clinic. And soon after they discovered na hindi accident but it involved a fighting incident,” ani Estrada.

Sinabi ni Estrada na binigyan ang dalawang estudyante ng karampatang atensyong medikal.

Aniya pa, maingat daw na iniimbestigahan ang insidente dahil mga menor de edad ang mga sangkot.



Sabi ni Estrada na sampung estudyante ang iniimbestigahan kaugnay ng insidente.

Aniya pa, hindi muna sila pinapapasok para maiwasan ang karagdagang gulo at para magbigay daan sa imbestigasyon.