Advertisers

Advertisers

Rhian bumagsak ang katawan nang makipagbreyk sa Israeli bf

0 272

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA  sobrang payat ngayon  ni  Rhian Ramos ay dinagsa ito ng body shaming. Pero in fairness ay hindi naman puro body shaming ang comment sa pinost niyang latest photo habang  nasa lock-in taping siya ng I Can See You: Madly, Deadly kasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

May comment kasi na nagmukha raw siyang bata at marami pa rin ang naniniwala na kahit pumayat siya ay maganda pa rin kahit 15 lbs ang nabawas sa kanyang timbang. May nagsabi pa na mataba  man payat ay nandoon pa rin ang kanyang ganda.



Katunayan ay may humingi pa ng tips kaya Rhian kung paano pumayat  na hindi kailangang  mag-gym at mag-diet.

Marami rin ang nakaunawa kung bakit biglang bumagsak ang katawan ni Rhian nang makipagkalas sa live-in boyfriend na si Amit Borsok na isang Israeli. Naka-set na sa private setting ang IG ng ex ni Rhian na hindi naman inilihim ng actress na nag-live-in sila. Kaya kinailangan niyang  humanap ng bagong condo unit na titirhan para makalimot at mabawasan ang kanyang dinanas na stress.

Sa ngayon ay nakahanap at nakalipat na ng bahay si Rhian. Balik-trabaho na rin siya na tamang-tama para malibang at hindi na iniisip ang ex. Pagkatapos ng taping ng I Can See You, haharapin naman ni Rhian ang pagre-resume ng taping ng Love of My Life.

Isang buwan silang lock-in sa taping kaya siguradong kahit paano ay  malilibang at  hopefully  pagkatapos ng taping ay tapos na ang kanyang pagdurusa sa “bad break-up” sa ex-dyowa.

***



VICE GANDA NAGTAPAT, NAPRANING SA PANDEMIC

NAGING seryoso si Vice Ganda sa kanyang  latest  YouTube vlogs  habang  isini-share ang kanyang mga hindi magandang pinagdaanan sa gitna ng  pandemya.

Sa umpisa pa lang ng caption ay iba raw ang mapapanood sa kanya sa vlog at pansamantala muna niyang isasantabi ang pagpapatawa at pagbibiro. Ito raw ang istorya na hindi natin alam.

Simula ni Vice, “Ang Istorya Ko Na  Di  N`yo  Alam.” Una raw ay hindi  niya agad  naramdaman  ang epekto ng pandemya. Akala raw niya  ay simple lang ito at mawawala rin agad. Pero nang tumagal na ang lockdown, dito na raw siya natakot.

“Unti-unti  ko  nang  nararamdaman  yung  ang tagal ko nang walang  trabaho. Unti-unti ko nang  nararamdaman yung hindi yata kami  makakabalik  pa muna dahil  bawal pa bumalik  sa studio.

“Tapos, may mga namamatay na. Du`n  na ako nagsimula  na mag-panic,”  kuwento  ni Vice.

Hanggang sa dumating na raw sa puntong natatakot na siya, to the point  na napapraning na siya kapag sinipon at inubo lang siya ng konti. Ayaw na rin daw niyang lumabas ng bahay at ayaw din daw niyang magpapasok ng ibang tao.

Hindi na rin siya nakakapunta sa bahay ng kanyang nanay dahil sa takot na baka may virus siya at mahawaan ang kanyang pinakamamahal na ina.

“Sobrang  nabaliw ako,” aniya.

Siste pa, habang napapraning siya sa Covid-19 ay bigla naman natanggal  sa ere ang ABS-CBN na isang panibagong  krisis  na kanyang haharapin.

“Sobrang laki ng epekto sa akin kasi yun ang main source of kabuhayan  ko, yun ang main source  ng hanapbuhay ko. And at the same time, yung mga taong  malalapit sa akin, yun din ang main souce ng hanapbuhay. So, paano na? Nawala sa ere.”

“Hindi lang dahil sa pera, of course, factor ang pera, totoo yon kailangan natin ng pera, pero yung thought na hindi na ako magtatrabaho. Hindi na kasi ako sanay na hindi nagtatrabaho.

“Yung  thought na  mawawalan  ako ng platform ppara makapagpatawa  at saka yung fact na yung supporters ko na hindi ako makikita, hindi ko maririnig ang madlang people, takot na takot ako roon, “ patuloy pa ni Vice.

Dahil sa sunud-sunod na dagok, may isang bagay siya napagtanto. “Hindi pala ako ganu`n  kalakas  at  kailangan ko maramdaman  na hindi ako ganun  kalakas para  kumapit  ako du`n sa pinakamalakas,” pag-amin ni Vice.

Dahil for the longest time ay marami ang umaasa  at naniniwala sa mga  desisyon  at  kanyang diskarte. Akala  raw niya  ay  kaya  niya  ang lahat.

Kaya nagpapasalamat  daw siya sa Diyos na kahit nahihirapan at nasasaktan siya ay may natutunan naman daw siya.

“Yun ang  pinagpapasalamat  ko, dahil  may iminumulat  sa akin si Lord.  Hinuhubaran ako ni Lord, eh. Hinuhubaran  ako ni Lord  ng kumpiyansa, lakas, binabawasan niya ako ng tapang para bumalik ako sa Kanya. Para ma-realize  kong ako lang, `to. Ako lang `to, eh. Hindi ko kaya  lahat. Kailangang bumalik  ako sa Kanya,” pahayag ni Vice Ganda.