Advertisers
AMINADO ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lumakas ang bentahan ng ecstacy at marijuana dahil sa kabila ng mga ipinapatupad na mga quarantine restrictions ngayong pandemya. Ito ang inilahad ni PDEA Director General Wilkins Villanueva sa isang panayam nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Sa rekord ng PDEA, nasa 4,000 ecstasy tablet na worth P6.6milyon ang narekober sa Parañaque City nitong nakalipas na Agosto 8. Sumunod ang pagkasabat sa 9k ecstacy tablet worth P16milyon sa Lubao , Pampanga. Ayon pa kay Villanueva,patuloy ang mga operasyon nila kung saan nakakumpiska sila ng marijuana na ang pinakalatest ay 18 kilos marijuana sa Quezon City at 113 kilos sa Clark, Pampanga.
Nanawagan si Villanueva sa publiko na makipag-cooperate sa mga awtorida at agad na ireport ang mga drug peddlers. (Josephine Patricio)