Advertisers

Advertisers

Buntis nalitson ng buhay sa sunog, Mister at 2 anak sugatan

0 288

Advertisers

NALITSON ng buhay ang buntis na ginang, habang nakaligtas ang kanyang mister at mga anak nang lamunin ng apoy ang kanilang tahanan Miyerkules ng madaling araw sa Taytay, Rizal.
Kinilala ang biktima na si Arcelyn Lajom, nasa hustong gulang. Sugatan naman ang kanyang mister at dalawang anak .
Sa ulat, 1:00 ng madaling araw nang maganap ang sunog mula sa storage ng RCL Junk shop sa Phase ll, Highway 2000, Brgy. Sta. Ana.
Nabatid na himbing nang natutulog ang mag-anak nang sumiklab ang sunog.
Ayon sa report, hindi nakababa ang ginang mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, at tanging mister at dalawang anak ang nakaligtas sa naglalagablab na apoy sa tulong ng mga kapitbahay.
Nagtulungan ang mga residente na basagin ang salaming bintana ng bahay ng mga biktima para madaanan ng dalawang batang lalaki at ama nito habang nilalamon ng apoy ang kanilang bahay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection- Taytay, Rizal, naapula ang sunog, 2:02 ng madaling araw.
Inaalam pa kung ano ang dahilan ng sunog. (PFT team)