Advertisers

Advertisers

4 tulak timbog sa P.8m shabu at baril

0 298

Advertisers

NASAMSAM ng Northern Police District (NPD) ang higit sa P.8 milyon halaga ng shabu at isang baril sa apat na drug personalities sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Reynaldo Mabbun, 47; Michelle Concepcion, 42, kapwa ng San Diego St., Brgy. Canumay West; Oliver Edoria, 38, ng P. Santiago St. Brgy. Paso de Blas; at Josephus Jadraque, 36, ng New Prodon, Brgy. Gen. T. De Leon.
Sa ulat, mistulang ‘one stop shop’ ang bahay ng mag-live in partner dahil pagkabili ng droga, doon narin isinasagawa ang pot session ng. drug users.
Sa report, 11:50 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng NPD-DDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao I ang buy-bust operation sa bahay ni Mabbun sa San Diego St., Brgy. Canumay.
Narekober ang aabot sa 30 gramo ng shabu na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, at cal. 357 Magnum Smith at Wesson revolver na kargado ng 5 bala. (Beth Samson)