Advertisers

Advertisers

Puwesto ng mga vendor sa Manila North Cemetery, pinaggigiba

0 206

Advertisers

WALANG nagawa ang mga vendor ng mga bulaklak at kandila sa labas o entrada ng Manila North Cemetery matapos gibain ng mga tauhan ng Hawkers ang kanilang mga puwesto.
Ayon sa mga tindera, matagal na silang naka-puwesto sa nasabing lugar at nagbabayad din sila ng bente pesos sa umaga gayundin sa gabi.
Nagtataka rin sila kung bakit giniba ang kanilang puwesto gayung hindi sila sagabal sa mga nagtutungo sa naturang sementeryo.
Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila na pinapayagan ang pagtitinda sa labas basta’t hindi sila nakasagabal sa kalsada.
Paliwanag naman ni MNC Administrator Rachele Castaneda, may mga report sa kanya na magulo ang mga vendor sa lugar kaya inaksyunan ito ng Hawkers.
Giit ni Castaneda, hindi nila pinapaalis ang vendors kundi nais lamang nilang ilagay sa ayos, igigilid lamang nila ito para ‘di makasagabal. (Jocelyn Domenden)