Advertisers

Advertisers

Mommy na kumatay at naglibing sa anak timbog

0 143

Advertisers

TIMBOG ang isang babae na wanted sa pagpatay at paglibing sa 3-anyos na anak na lalaki nang magtago ng mahigit na 6 buwan sa Catanuan, Quezon noong Mayo.

Kinilala ang salarin na si Lyn-Lyn Capio Monterey, 25 anyos.

Si Monterey, nakatala bilang isa sa mga regional most wanted person, ay naaresto ng mga tauhan ng Catanauan Police nang lumitaw sa Brgy. Sta Maria, Dao 6:30 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest mula Regional Trail Court Branch 96, ng Catanauan para sa kasong ‘parricide’.



Walang rekomendadong piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya nito.

Sa rekord ng Catanuan Police, Mayo 29, 2022 nang lunurin ni Monterey ang kanyang anak na lalaki sa sapa sa tabi ng kanilang bahay sa Sitio Central, Barangay Sta. Maria.

Sa imbestigasyon noon ng pulisya, sinasabing narinig ng isang testigo si Monterey na nagsasalita at sinasabing napapagod na ito sa pag-aalaga sa biktima kaya niya ito nilunod at pagkatapos inilibing sa gilid ng sapa.