Advertisers

Advertisers

P14.3m marijuana winasak sa Cordillera

0 141

Advertisers

UMABOT sa P14.3 milyong halaga ng mga puno ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa dalawang linggong operasyon sa iba’t ibang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., sa 19 operasyon ng pulisya sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula Nobyembre 13 hanggang 30, umakyat sa 71,105 puno ng marijuana at 2,100 punla nito ang sinunog.

Naniniwala si Azurin na epektibo ang pinaigting nilang estratehiya kontra-droga at tuluyang mapupuksa ito hindi lamang sa buong Cordillera kundi sa iba’t ibang lugar ng bansa.



Pinuri ni Azurin si Police Regional Office (PRO)-Cordillera director, Brig. Gen. Mafelino Bazar, sa kanilang pinaigting na operasyon laban sa iligal na droga, ganun din ang komunidad na nakipag-koordinasyon sa PNP at nagbibigay ng impormasyon lalo kapag may mga kahina-hinalang ikinikilos sa kanilang paligid.

Samantala, tugis na rin ng mga awtoridad ang suspek na cultivator ng marijuana na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 16, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.