Advertisers
HIGIT sa P5.7 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat sa isang lalaki nang maharang sa checkpoint sa Kalinga.
Kinilala ang nadakip na si Albert Dugwawi, 29 anyos, ng Pacac Agbanawag, Tabuk City, Kalinga.
Kinumpiska ng pulisya ang kulay puting Toyota Rush (NFV-9982) na minamaneho ni Dugwawi na may kargang 10 bricks ng dried marijuana leaves at tangkay na may bunga na nakabalot sa isang transparent plastic sachet na may bigat na 10,000 grams na may street value na P1.2 milyon.
Narekober rin ang 3-tubula na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at tangkay na may bigat na 3,000 grams at nagkakahalaga ng P360,000.00, at 18 pirasong pinatuyong marijuana na ibinalot sa transparent plastic na nagkakahalaga naman ng P4.2 milyon.
Inaalam pa ng pulisya kung sino ang kasabwat ni Dugwawi sa tangkang pag-deliver ng marijuana.