Advertisers

Advertisers

Koreano, patay sa ambush sa Pasay

0 175

Advertisers

Patay ang isang lalaking Korean national nang pagbabarilin sa Roxas Boulevard sa Pasay City nitong Biyernes ng umaga.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival. Nagtamo siya ng tama ng bala sa gawing likod at balikat.

Naganap ang insidente 4:00 ng madaling araw.



Ayon sa ilang mga saksi, tinambangan ang Korean ng isang gunman na nakasakay sa tricycle.

Isang cellphone na pag-aari raw ng salarin ang naiwan sa crime scene.

Nagtungo na sa crime scene ang kapatid ng biktima pero hindi ito nagbigay ng pahayag.