Advertisers

Advertisers

Kapitan at crew kinasuhan sa pagkamatay ng mangingisda

0 291

Advertisers

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Philipine Coast Guard (PCG) District Southern Visayas sa pangunguna ni Captain Eduardo P De Luna ang mga tripulante ng Philippine-registered landing craft, LCT Golden Lotus sa Office of City Prosecutor sa Escalante, Negros Occidental.
Ayon sa PCG, kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang isinampa laban kina Ship Captain Vincent Book, Chief Mate Arnel Martinez, Helmsman Celestino Nuñez Jr, at5 Lookout Marlon Dangan ng LCT Golden Lotus .
Nangyari umano ang insidente noong September 8, 2020 na sanhi ng pagkamatay ng 29-anyos na mangingisda na si Je-Ar Caspe, isang padre de pamilya at ama ng tatlong bata.
Ayon sa nag-iisang testigo na si Enrique Caspe Jr na ama ng biktima, naglalayag sila lulan ng magkahiwalay na bangka sa bisinidad ng baybayin ng Molacaboc Island sa Sagay City at Pamaaun Reef sa Escalante nang mangyari ang insidente.
Ayon sa nakatatandang Caspe, nakita nito ang LCT Golden Lotus na dumaan sa kanilang lokasyon , naisip nito na ang fishing boat ng kanyang anak ay maaring nabangga ng nasabing barko.
Agad nitong hinanap ang kanyang anak kung saan nakitang wala ang buhay at nawawala ang kanang paa bukod pa sa nabaliaan pa ng kanang braso.
Nasira din ang kanyang bangkang pangisda.
Dinala nito ang labi ng kanyang anak sa malapit na pampang kung saan inasistihan naman siya ng mga lokal na mangingisda upang maibyahe ang labi sa kanilang lugar sa Barangay Washington, Escalante para sa tamang disposisyon.
Matapos namang matanggap ang ulat sa PCG Sub-Station sa Escalante, agad na nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang PCG District Southern Visayas para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga crew ng LCT Golden Lotus. (Jocelyn Domenden)