Advertisers

Advertisers

Lakers, kabado sa Miami

0 211

Advertisers

NAKAHANDA na ang Miami Heat sa pagharap nila ng Los Angeles Lakers sa Game 1 ng NBA finals na magsisimula ngayon Huwebes alas-9:00 ng umaga sa Lake Buena Vista sa Florida.
Ayon sa Filipino American coach ng Heat na si Erik Spoelstra, hindi nila naabot ang nasabing kinakatayuan nila para magdiwang.
Lahat ng kanilang staff at hindi lamang mga players ang naghanda para sa paghaharap nila ng Lakers.
Sinabi ni Heat forward Jimmy Butler, ang paraan para manalo ay makipagsabayan kay LeBron James.
Ito na kasi ang 10th Finals appearance ni James kung saan tatlo sa anim dito ay nakuha niya ang kampeonato gaya ng back-to-back championship sa 2012 at 2013 noong ito ay nasa Heat pa at noong 2016 nang ito ay lumipat sa Cleveland Cavaliers.