Advertisers

Advertisers

TITSER NA TULAK TIMBOG SA CAMSUR

Minsan nang nahuli, umulit pa!

0 188

Advertisers

TIMBOG ang isang guro sadrug buy-bust operation sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang titser na si Tirzo Rolando Duran y Atienza, 50, guro sa isang pampublikong eskwelahan at residente ng Sto. Domingo, Nabua.
Sa ulat, 8:50 ng gabi ng Martes, September 29, 2020, nang isagawa ang buy bust sa nasabing barangay.
Narekober sa bag ng titser ang dalawang knot tied plastic na may lamang pitong pakete ng shabu na humigit kumulang sa 210 gramo at nagkakahalaga ng P1.4 milyon.
Ayon sa report, taon 2014 ay nahuli na rin ang titser sa pagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng Nabua ngunit nadismis ang kaso nito.
Sa monitoring ng PNP, napag-alaman na patuloy parin ang titser sa pagbebenta ng iligal na droga.