Advertisers
Grabe talaga ang kapal ng mukha ng owner-operator ng isang club cum putahan d’yan sa lungsod ng Pasay, kahit pa sa gitna ng pandemic ay nagbukas ulit ito at di alintana ang peligro sa kalusugang puwedeng idulot nito sa mga kababaihan nilang mistulang mga sex slaves na.
Ang masaklap pa nito, katabing-katabi lamang ng Senate of the Philippines building d’yan sa Hobbies Macapagal Boulevard ang location nito.
Isang high-ranking elected official ng Pasay City ang umano’y nagsisilbing “dummy owner” ng KING & QUEEN (formerly) TITAN Z na pag-aari umano talaga ng isang Japanese national.
Apatnapung (40) kababaihan na ang ilan ay menor-de edad ang umano’y naka-stay-in sa nasabing establisimiyento at binabantayan ng ilang tiwaling miyembro ng PNP.
Mga Intsik umanong empleyado ng POGO ang regular na kostumer ng club na inihahatid pa ng mga van shuttle service tuwing gabi.
Nakapatay ang mga ilaw ng signage ng KING & QUEEN kung kaya’t aakalain mo talagang sarado ito pero ‘wag ka, sa backdoor ng nasabing putahan dumaraan ang mga guests o kostumer ng naturang club.
Mistulang “bubble operation” ang ginagawang ito ng KING & QUEEN kung saan naka-confined lamang sa loob ng nasabing establisimiyento ang mga babaeng nagsisilbing “sex workers” at hinahatiran na lamang ng pagkain at essential needs ng mga ito..
Ayon pa sa source ng inyong lingkod sina alyas AL at DOMENG ang tumatayo umanong manager cum bugaw ng KING & QUEEN na lantarang nagbebenta umano sa mga kababaihang ito na ang main opisyo ay magbigay ng panandaliang-aliw (sex services) sa mga manyakis na Tsekwa at ilang piling Pinoy VIP customers.
Sa mismong VIP rooms ng nasabing club nagaganap ang umano’y “kangkangan” kung saan mula walong libong piso (8K) pataas ang serbisyo ng bawat babae.
Katata-takang hindi ito pansin ng lokal na kapulisan ng Pasay pati na rin ng PNP Southern Police District command.
Malaking sampal ito sa mismong imahe ng Senado kung saan may ilang metro lamang ang layo nito sa nasabing sex den.
Tahasang paglabag din ang “Bubble operation” (underground operation) ng TITAN Z sa mga nakatadhanang protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Nakipag-ugnayan na rin ang inyong lingkod sa ilang mapagkakatiwalaang ahensiya ng gobyerno upang agad ng salakayin ang punyetang establisimiyentong ito na lantarang nangangalakal ng laman (flesh trade) at nagsasamantala sa krisis na dinaraanan ng maliliit nating kababayang Pilipino na naoobligang “kumapit sa patalim para lamang maka-survive.
Inaasahan nating masasagip ang mahigit sa umano’y 40 kababaihang kasalukuyang naka-stay-in sa KING & QUEEN.
May kasunod…
Abangan!
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com