Advertisers

Advertisers

Bakit ba ang titigas ng mga ulo niyo mga kababayan ko?

0 334

Advertisers

Lalagpas na sa tatlong daang libong (300K) Filipino na ang nagka-COVID-19 sa loob ng halos anim na buwan ng paghahawaan. Malaking bilang diyan ay sa Metro Manila.

Ngunit tila ang iba sa atin ay parang walang takot sa virus na nakamamatay. Ganung narinig at nabalitaan na nila ang mga kababayan nating yumao dahil dito, o kaya naman ay mga kamag-anakan na nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19.

Nito lamang Biyernes (September 25) ng madaling araw, halos isang daang katao ang nahuling nagpa-party-party pa sa isang bar sa Quezon City. Dikit dikit na sumasayaw at nag-iinuman, kaya naman pinaghuhuli sila ng ating kapulisan.



Paglabag ito sa mga health protocol na ipinatutupad sa ilalim ng General Community Quarantine(GCQ) lalong lalo na ng batas na RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases, at mga bagong ordinansa gaya ng City Ordinance 2936 o Mandatory use of face masks in public places. Maliban pa sa dati ng batas na Article 151 ng Revised Penal Code na Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Kaya agad nag-babala si Mayor Joy Belmonte sa iba pang establisimentong gagaya sa Guilly’s Nigthclub & KTV na mahaharap din sila sa sapilitang pagsasara ng kanilang mga negosyo kung hahayaan nilang magtipon-tipon ang maraming customers na maaaring magkahawaan ng virus na COVID-19.

Ito aniya ay paglabag sa GCQ, kaya binabalaan niya ang mga may-ari ng mga bar, at nightclub na itigil ang kanilang iligal na gawain dahil “mahuhuli at mahuhuli” sila. Ang mariin pang sabi ni Mayor Joy “inilalagay nila (mga may-ari ng bar at nightclubs) sa panganib ang buhay ng kanilang mga customer dahil ang pag-inum sa publiko ay isa sa mga rason sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod.”

Hindi nga naman maaaring isantabi ang mga isyung pangkalusugan na maaaring makaapekto sa karamihan. Bakit ba kasi ang titigas ng mga ulo niyo, mga kababayan ko? Hindi ba natin kayang kontrolin muna ang ating mga sarili, upang ingatan din ang ating sariling kalusugan.

Di ba nga sa Maynila, may isang grupo, ang karamihan sa kanila ay magka-kamaganak pa, ang nag-inuman sa loob ng isang bahay. Matapos ang ilang araw, ang buong pamilya sa tahanang iyon ay nanga-positive sa COVID-19, at ang iba sa kanila ay umabot pa sa kritikal na kondisyon, dahil may nakainuman silang may virus na pala. Nasa loob na ng bahay ang mga iyon.



Sa madaling sabi, mga kababayan ko, hindi basta-basta ang dalang panganib ng COVID-19, maraming tao na ang kinuhanan nito ng kanilang mga buhay, di lamang dito sa atin kundi sa buong daigdig.

Alalahanin na lang natin ang mga mahal natin sa buhay, kung hindi niyo kayang mahalin ang inyong mga sarili nang sa ganun ay nakagawa pa kayo ng mahalagang bagay para sa inyong kapwa upang maiiwas ang mga mahal niyo sa buhay na mamatay dahil sa virus na COVID-19.