Advertisers
NAGPAALALA si Philippine National Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na mahigpit pa rin ipagbabawal ang mga establishments o restaurants na ang pangunahing serbisyo ay pagbebenta ng alak.
Ito’y matapos ang sunod-sunod na bar raid sa Metro Manila, partikular na sa lungsod ng Makati.
Ayon kay Lt. Gen. Eleazar, ang naturang patakaran ay base na rin sa panuntunan na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI).
Nilinaw ni Eleazar na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang operasyon ng mga nightclubs o bars sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ).