Cesar nilantad na ang hubad na bebot na nasa likuran; Ellen binuking ang netizen na nanghihingi ng nude pic
Advertisers
MATATANDAANG naging controversial at viral ang birthday greetings ni Cesar Montano noong 2018 na habang bumabati siya ay makikita sa kanyang likuran ang babaeng walang saplot as in hubad talaga.
Pero ngayon sa video greeting niya ay may damit na ang babaeng nakahubad.
Binati ni Buboy (tawag kay Cesar sa showbiz) ang birthday celebrant na si Dolly Anne Carvajal at isang babae ang muling nakita sa background habang bumabati ang actor.
Ang pakakaiba lang sa nasabing eksena ay may damit na yung babae ngayon sa background, not like noon na nakahubad ang bebot.
Ang pagkakaiba rin noon at ngayon ay lumapit na ang babae at ipinakita ang maganda nitong mukha.
“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?,” say ni Cesar sa babae na nakasuot ng white t-shirt.
Nagsalita rin ang babae para batiin si Dolly Anne ng happy birthday.
“Siyempre wholesome tayo ngayon. Happy birthday Mare. We love you,” sabi ng mahiwagang babae.
“Next time, yung isa kong talent, available na. Yon talaga, daring yon. Next time na lang yon,” biro ni Cesar.
Sa pagsabi ni Cesar ng biro lang yun ay biglang napatingin ang chicks sa actor at tila sinasabi na, “sinong babae darling?” Ang magandang babae na nasa background ni Cesar ay ang kanyang live-in partner dahil that time ay annulled na raw ang marriage nila ni Sunshine Cruz.
***
SA pamamagitan ng Instagram story ni Ellen Adarna ay inilantad at ibinuko nito ang netizen na humihingi sa kanya ng nude photo.
Sa online post ni Ellen ay may caption siyang. “Only a Fool.” Ibinahagi rin niya ang screenshot ng pangungulit sa kanya.
Reaksyon naman ng mga tao ay hindi raw dapat binabastos ang actress lalo`t tahimik na ito bilang isang ina.
May nagsabi naman sa ibang bansa ay uso raw kasi sa mga kabataan ang nagme-message ng “send nudes.”
Sa hitsura kasi ngayon ni Ellen kahit nanganak na ito ay hindi pa rin nawawala ang mga kalalakihan na nagpapantasya sa kanyang kagandahan at kaseksihan.
Hindi rin kasi masisisi ang mga barakong followers ni Ellen na masabik silang makita ang mga sexy photos nito sa social media.
***
SINA Gary Valenciano, Martin Nievera, Lani Misalucha, Isay Alvarez, Robert Sena at Lea Salonga ang magiging headliners ng “Sine Sandaan:The Next 100 Closing Ceremony,” isang two-hour virtual event ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magaganap ngayon, September 30 at 8:00 pm.
Pagkatapos ng labingdalawang buwan ng pagkilala ng milestones at achievements at pagbibigay pugay sa Industriya ng Pelikulang Pilipino, ang isang taong paggunita ng One Hundred Years in Philippine Cinema ay pormal nang magtatapos sa isang natatanging pagdiriwang.
Ayon kay FDCP Chairperson at CEO Liza Dino, “Sine Sandaan: The Next 100 encapsulates our aspirations for the future of Philippine Cinema. It is both in the spirit of empowering our local industry and taking those significant steps towards that future that we hope for – a future of elevation, inspiration, and collaboration.”
“This celebratory event also serves as a venue for cooperation in the film industry. Just as we officially close the Philippine Cinema Centennial Celebration, we look forward to the next hundred years wherein the industry wiil aim to reach greater heights, cross borders and explore uncharted territories,” patuloy pa ni Chair Liza.
Noong September 11, 2020 ang huling araw ng isang taong paggunita sa One Hundred Years of Philippine Cinema, idinaos ng FDCP ang online Opening Ceremony na pinamagatang “Sine Sandaan: The Next 100 – Celebration of the Closing of the Philippine Cinema Centennial.
Inihayag din ng FDCP ang napakaraming September events. Ipalalabas ang “Sine Sandaan: The Next 100 Closing Ceremony sa mga social media account ng FDCP, sa YouTube at Facebook (facebook.com/FDCPph). (Gerry Ocampo)