Advertisers
LUSOT na sa 3rd and final reading sa Mababang Kapulungan ang House Bill 454 o Media Workers’ Welfare Act.
Layon ng panukala na palakasin at tiyakin na naibibigay ng media companies at networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media workers.
Sakop nito ang tamang pasahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo tulad ng SSS, Philhealth at PAG-IBIG.
Sa ilalim ng nasabing panukala na ang entry-level position ay makatatanggap ng minimum wage compensation na itatakda ng national wages ang productivity commission o kaya ay regional tripartite wages and productivity boards.
Kung ang media worker at tuloy-tuloy ang empleyo sa loob ng anim na buwan ay dapat na itong ikonsidera bilang regular employee.
Ang mga miyembro ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events o situations ay bibigyan ng karagdagang P500 arawang sahod bukod pa sa paglalaan ng protective equipment.
Magkakaroon din ng P200,000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag at P100,000 medical insurance benefit.
Bubuo naman ng isang News Media Tripartite Council na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksyon sa mga taga media.