Advertisers

Advertisers

Higit 2M printed ePhilIDs inilabas na ng PSA

0 122

Advertisers

AABOT sa mahigit dalawang milyong printed ePhillDs o digital version ng Philippine Identification card ang inilabas na ng Philippine Statistic Authority.

Base sa kabuuang bilang na inilabas ng naturang ahensiya, umabot sa 2,063,007 na printed Philippine Identification (PhillD) ang nakuha na umano ng mga registrants sa kanilang mga PhilSys registration centers sa buong bansa.

Ayon sa ahensiya, ito ay isang proactive na estratehiya upang mabigyang-daan ang lahat ng nagparehistro na magamit ang mga benepisyo tulad na lamang ng mabilis at tuloy-tuloy na mga transaksiyon sa pag-access sa mga serbisyong pinansyal.



Nagpasalamat naman sa publiko ang National Statistician at Philippine Statistic Authority Civil Registrar General Undersecretary Dennis S. Mapa dahil sa pagtangkilik at pagsuporta nito.

Dagdag pa ng kalihim, makakakuha pa rin ng printed ePhilID ang mga registrants na mayroon ng physical card at ito ay libre lamang.

Tiniyak ng ahensiya na ang ePhilID ay valid at sapat na patunay ng pagkakakilanlan ng sinumang may-ari nito sa anumang transaksyon sa gobyerno, financial institution at mga pribadong sektor.