Advertisers
TATLO ang patay at lima ang sugatan nang sumiklab ang engkwentro ng pagitan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur.
Ayon kay hepe ng Shariff Aguak PNP na si Major Haron Macabanding, nagkasagupa ang mga kasapi ng 105th Base Command at 118th BC sa Barangay Kuloy, Shariff Aguak.
Sa tindi ng palitan ng mga putok sa magkabilang panig, lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.
Kinumpirma ni MILF Deputy Minister Abunawas Maslamama ang naganap na engkwentro ng dalawang MILF commanders dahil sa personal na alitan o rido ngunit walang kinalaman ang liderato ng MILF.
Dagdag ng opisyal, malinaw na paglabag sa Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) code of conduct ang nangyaring labanan ng kanilang mga kumander.
Tatlo ang nasawi at lima ang nasugatan sa engkwentro, ngunit hindi pa ito makumpirma ng pulisya.
Gumagawa na ng paraan ang MILF ceasefire panel upang imbestigahan ang pinag-ugatan ng barilan.