Advertisers
APAT na mag-iina ang tinamaan ng kidlat sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Talisay, San Andres, Quezon, Lunes ng gabi (Nobyembre 21)
Ang mga biktima ay kinilalang sina Marivic Balmoria, 43 anyos; kanyang mga anak na sina Anna Rose Balmoria, 19; Annabel Balmoria, 18; at Anna Marie Balmoria, 16; mga resident ng Sitio Recudo, Brgy. Talisay.
Sa salaysay ng ama ng mga biktima sa San Andres Municipal Police Station, naghahapunan sila sa loob ng kanilang bahay nang mawalan ng kuryente. Inutusan ng ina ang tatlong anak na kuhanin ang kanilang cell phones para gamiting flash lights. Nang tumayo ang isang anak para kumuha ng kanilang pagkain ay biglang kumulog ng malakas sabay kidlat na tumama sa likod ng ina at tatlong mga anak na babae, na agad nawalan ng malay-tao.
Humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang ama ng mga biktima at dinala ang mga ito sa pinakamalapit na pagamotan.
Ligtas na ang mag-iina na nakararanas ng mga pananakit ng ulo at dibdib.(KOI LAURA)