Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
SA panahon ng pandemya na maraming kumpanya ang nagsasara na resulta ng kawalan ng hanapbuhay ng nakararami, isa sa mga higit na naapektuhan ay ang entertainment media.
Kaya tila naging sagot sa problema ng mga kapatid sa panulat ang paglulunsad ng producer ng BG Productions na si Madam Baby Go ng tatlong pahayagan (BG Expose, BG Dyaryo & BG Public Eye News).
Sa idinaos na presscon kamakailan sa Marco Polo Hotel, pormal nang ipinakilala ni Madam Baby ang mga bubuksan niyang dyaryo ngayong pandemic.
Tsika ng producer-publisher, nagpasya anya siyang magtayo ng mga nasabing pahayagan para makapagbigay ng tulong sa showbiz press na walang pinagkakakitaan sa kasalukuyan bunsod ng Covid-19.
Gayundin, taos sa puso ang pagnanais nilang makapagbigay ng impormasyon sa madlang pipol saan mang lugar sa bansa.
Kasabay rin nito, inilunsad ni Madam Baby ang BG Elite Club na naglalayong maayudahan din ang mga katoto sa industriya.
‘Ika nga ng mga opisyal ng samahan sa pangunguna ng presidenteng si Joey Sarmiento, hangad umano ng BG Elite Club na matulungan ang mga kapatid sa entertainment media na walang pinagkakakitaan ngayon dahil sa pandemya.
Congrats at maraming salamat po, Madam Baby Go at sa inyong mga opisyales at staff!