Advertisers
IREKOMENDA ni PBA commissioner Willie Marcial na ipagpaliban muna ang draft requirements, matapos kanselahin ang D-League season dahil sa COVID-19 pandemic.
Incoming PBA rookies ay kailangan maglaro ng seven games sa isang D-League conference, habang ang Fil-foreign players obligadong maglaro ng seven games sa dalawang conference.
Dahil sa global health crisis, ang Aspirants Cup ay kinansela ngayon taon, at hindi pa matiyak ng PBA kung kailan ulit bubuksan ang D-League games bilang amateur sports events.
“Sasabihin ko sa mga governors, wala ng requirements ang D-League muna, kasi hindi nakapag-D-League,” wika ni Marcial sa interview on “Power and Play,” nang tanungin tungkol sa estado ng parating na PBA draft.
“So ‘pag hindi ka nakapag-D-League, pwede ka ng dumeretso sa draft, depende sa edad mo,” dagdag pa nya.
Incoming rookies ay kailangan 21 anyos ang edad sa araw ng draft.
Ang draft, ay nakatakda sa December or January