Advertisers
Patay ang dalawang lalaki sa ambush nitong Lunes, November 21, 2022, sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Margues sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.
Sa ulat, sakay ang mga hindi pa nakikilalang mga biktima ng Toyota Vios nang pagbabaril ng mga armadong kalalakihan habang padaan sa isang lugar sa Barangay Margues.
Inaalam pa ng mga imbestigador mula sa Datu Odin Municipal Police Station kung sino ang mga nasawing dalawang lalaki.