Advertisers

Advertisers

La Salle winakasan ang 7-game winning run ng UP

0 185

Advertisers

Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – UST
vs UP (Men)
1 p.m. – NU
vs DLSU (Men)
4:30 p.m. – Ateneo vs UE (Men)
6:30 p.m. – FEU
vs AdU (Men)

WINAKASAN ng De La Salle University ang seven-game winning run ng University of the Philippines matapos panain ang gahiblang 82-80 panalo para sa joint fourth sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament, Linggo sa harap ng 13,092 fans sa loob ng SM Mall of Asia Arena.

Naka-triple si James Spencer ng UP sa 5:14 mark ng fourth para itabla ang iskor sa 69-69.



Pagkatapos nito kumonekta sina Mike Phillips, Mark Nonoy, Abadam, at Quiambao ng Green Archers para sa 10 sunod na puntos para umakyat ng double digit sa nalalabing 1:13, 79-69.

Ngunit nag-and-one si Fighting Maroons JD Cagulangan bago bumigay ang La Salle ng dalawang turnovers na nagsalin sa triple ni Zavier Lucero may 23.7 segundo ang nalalabi para hilahin sila sa loob ng apat, 75-79.

Pagkatapos nasubok ang tibay ng dibdib ni Quiambao sa linya kung saan hinati niya ang kanyang charities na nagbukas ng pagkakataon para kay Cagulangan na maisakatuparan ang tres mula sa gilid ng MOA logo na may 12.5 ticks na natitira, 78-80.

Muling na-foul ang 6-foot-4 point forward ngunit sa pagkakataong ito, gumawa siya ng parehong free throws nang hindi sinagot ni Cagulangan ang kanyang three-point attempt sa kabilang dulo bago gumawa ng buzzer-beater si Malick Diouf pero layup shot lang ito.

“I must give it to the guys. Proud of the way they played today. We got down by 12 but we regrouped,” sabi ni Green Archers coach Derrick Pumaren.



Nakaungos ang Fighting Maroons ng hanggang 12 sa third frame ngunit hinangad ni Nonoy ang pagbabalik ng La Salle na may 13 puntos.

Umiskor si Quiambao ng 13 sa kanyang 18 puntos sa ikaapat na kanto gawad ang may siyam na rebounds, habang si Nonoy ay nagtapos na may 15 puntos. (Louis Pangilinan)